
KABALIKAT

Karapatan sa Batas at Lipunang may Katarungan, Inc.
SEC Company Registration No. CN201311695
No.267 Ermin Garcia Street, Cubao, Quezon City, Metro Manila

RELIGIOUS AND YOUTH PROGRAMS

Youth Livelihood Program

NOURISHMENT PROGRAM
.
P R I M E R
Mga Katanungan at Pagpapaliwanag
Ukol sa Alituntunin ng Pardon, Parole at Executive Clemency
Na Ugnay sa Amended Guidelines for Recommending Executive Clemency
and Rules on Parole (dated 7th March 2006)
-
Ano ang patakaran o layunin ng batas (o Indeterminate Sentence Law) ukol sa pagbibigay ng parole, pardon o executive clemency sa mga taong pinatawan ng hatol na kawalan ng pagkalaya (o “persons deprived of liberty [“PDL”]*)?
Upang mai-angat at mai-adya ang kahalagahan ng pangangatawang tao sa kabuhayang kapaki-pakinabang at upang maiwasan ang labis na pag-kawala ng personal na kalayaan na lubha ng hindi kina-kailangan.
-
Ano ang kahulugan ng mga sumusunod?
Executive Clemency – Ito ay ang pagpapaliban sa pagpapatupad ng sentensya (reprieve), absolute pardon, conditional pardon na may kasama o walang kundisyon sa parole, at commutation of sentence (o ang pagpapababa ng sentensya) na maaaring ibigay lamang ng Pangulo ng Pilipinas.
Parole – Ito ay ang kondisyonal na pagpapalaya ng isang PDL mula sa correctional institusyon pagkatapos niyang pag-serbisyohan ang minimum o pinakamaikling bilang ng taon ng kanyang sentensya.
Commutation of Sentence (o Pagpapababa ng Sentensya) – Ito ay ang pagbabawas o pagpababa sa haba ng taon sa sentensya ng isang PDL.
“Persons deprived of liberty” (or PDL) – as first used in the International Covenant on Civil and Political Rights (entered into force 23rd March 1976). Thus, it provided: “All persons deprived of their liberty shall be treated with humanity and with respect for the inherent dignity of the human person.” (Part III, Article 10 [1])
Conditional Pardon - Ito ay bahagyang kapatawaran na iginawad sa isang PDL mula sa kaparusahan na nau-ugnay sa pagkakasala na pinataw ng batas at nagresulta sa pagkawala ng kanyang kriminal na pananagutan bagkus sa ilang mga limitasyon o kundisyon na ibinibigay.
Absolute Pardon – Ito ay ganap na pagpapatawad sa pananagutan ng PDL at ibinibigay nang walang anumang kundisyon. Ito ay nagbabalik ng karapatang sibil at politikal at kasama ang parusang ipinataw sa partikular na pagkakasala na kung saan siya ay nahatulan.
Carpeta – Ang record ng isang PDL na binubuo ng kanyang mittimus o commitment order na ibinigay ng hukuman pagkatapos ma-igawad ang sentensya, “information” ng tagausig, at ang desisyon ng hukuman at mula sa apela, kung mayroon man; certificate kung hindi na nag-apela, certificate ng detensyon at iba pang mga mahalagang dokumento ukol sa kaso.
Prison Record – Ito ang mga impormasyon tungkol sa personal na katayuan ng isang PDL, ang pagkakasala na kung saan nahatulan, ang sentensya na ipinataw, ang bilang ng kaso kriminal sa mga korte ng paglilitis at sa apela, ang petsa na nagsimula ang serbisyo ng sentensya, ang petsa ng siya ay tinanggap sa pangungulungan, ang lugar ng pangungulungan, ang petsa ng pag-tatapos ng sentensya, ang bilang ng mga nakaraang hatol, kung mayroon man, at ang kanyang pag-uugali o asal habang nasa bilangguan.
-
Sino ang makapagbibigay ng ‘executive clemency’?
Tanging ang Pangulo lamang ng Pilipinas ang maaaring magbigay ng ‘executive clemency’ tulad ng ‘reprieve’, ‘commutation of sentence’ at ‘pardon’ (‘conditional o absolute’) at puede rin niya na ipagpatawad ang pagbabayad ng multa o ‘forfeiture’, kapag nahatulan na ng final na sentensya. (Section 19, Article VII, 1987 Constitution)
-
Ano ang basehan at layunin ng ‘executive clemency’?
Ang ‘executive clemency’ o habag ng Pangulo ay base sa kanyang exklusibong diskresyon o desisyon at may layunin na maiwasan ang pagtaliwas ng hustisya o pagwawasto ng maliwanag na kamalian at kawalan ng katarungan.
-
Paano uumpisahan ang proseso ng ‘executive clemency?
Ang proseso na ito ay ma-aaring maumpisahan ng Board of Pardons and Parole (“BPP”) sa pamamagitan ng paghahain ng petisyon o ‘referral’ mula sa Office of the President o muto propio (mula sa pamamagitan mismo ng BPP).
-
Ano ang mga konsiderasyon ng BPP sa pag-rekomenda sa Pangulo para makapagbigay ng ‘executive clemency’?
Ang BPP ay maaring mag-rekomenda sa Pangulo ayon sa mga sumusunod na konsiderasyon:
A. Mga Pambihirang Pangyayari o Kadahilanan (“Extraordinary Circumstances”)
-
Kapag ang hukuman (na naglitis o sa apela) ay inirerekomenda ang pagbibigay ng ‘executive clemency’ at ipinaloob sa desisyon.
-
Sa ilalim ng kakaibang mga pangyayari sa kaso, ang gawad na parusa ay masyadong malupit kumpara sa krimen na kung saan nahatulan;
-
Ebidensya na isinalang-alang ng hukuman bago mag-desisyon na makapagbibigay ng pagpapawalang sala ng inakusahan;
-
PDL na higit sa labinlimang (15) taon ngunit wala pang labing-walo (18) taong gulang ng paggawa ng pagkakasala;
-
PDL na pitumpu't (70) taong gulang o higit pa na ang patuloy na pagkabilanggo ay nakasisira sa kanyang kalusugan ayon sa inirerekomenda ng manggagamot ng Bureau of Corrections at sertipikado ayon sa batas ng manggagamot na itinalaga ng Department of Health (DOH);
-
PDLs na may sakit na malubha, nakakahawa o sakit/karatayan na nagbabanta ng buhay, o may malubhang pisikal na kapansanan na tulad ng mga taong lubos na bulag, paralisado, nakaratay, atbp., ayon sa rekomendasyon ng manggagamot ng Bureau of Corrections at sertipikado ayon sa batas ng manggagamot na itinalaga ng DOH;
-
Dayuhang PDL na kung saan ang mga diplomatikong konsiderasyon at pagkakasundo ng mga bansa ay na-aayon ang pagsusuri;
-
Iba pang katulad o kahalintulad na mga pangyayari na kapag ang interes ng katarungan ay mabigbigyan daan.
B. Mga Iba Pang Konsiderasyon (Ordinary Circumstances)
-
Para sa commutation of sentence (o pagpapababa ng sentensya), ang isang PDL ay dapat ng napiit ng:
-
Hindi bababa sa ikatlong bahagi (1/3) ng sentensya na may tiyak na bilang ang taon o ng kabuuan ng pinagsama-samang mga taon sa lahat ng sentensya;
-
Hindi bababa sa kalahati (1/2) ng minimum ng indeterminate sentence o pinagsama-samang minimum ng mga ito;
-
Hindi bababa sa sampung (10) taon para sa PDL na may sentensya na isang (1) reclusion perpetua o isang (1) habang-buhay na pagkapiit, para sa mga paglabag o naparusahan na hindi sakop ng RA No. 7659 at iba pang mga espesyal na batas;
-
Hindi bababa sa labintatlong (13) taon para sa PDL na ang indeterminate na sentensya at/o ang sentensya ay may tiyak na bilang ng taon ay na-adjust sa apat-napung (40) na taon na pagkapiit alinsunod sa Article 70 ng Revised Penal Code;
-
Hindi bababa sa labinlimang (15) taon para sa mga PDLs na nahatulan ng kasuklam-suklam na krimen / pagkakasala (heinous crimes) tulad ng tinukoy sa RA No. 7659 o iba pang mga espesyal na batas, na ginawa nuon o pagkatapos ng Enero 1, 1994 at hinatulan ng isang (1) reclusion perpetua o isang (1) habangbuhay na pagkapiit;
-
Hindi bababa sa labing-walong (18) taon para sa PDLs na nahatulan ng reclusion perpetua o habangbuhay na pagkapiit sa paglabag ng RA No. 6425 (Dangerous Drugs Act of 1972), o RA No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), at kidnapping for ransom o paglabag ng batas laban sa terrorism, plunder at transnational crimes;
-
Hindi bababa sa dalawampung (20) taon para sa PDL na dalawa (2) o higit pang hatol na reclusion perpetua o habangbuhay na pagkapiit kahit na ang sentensya ay na-adjust sa apatnapung (40) taon alinsunod sa Article 70, Revised Penal Code;
-
Hindi bababa sa beinte-singkong (25) taon sa PDL na ang orihinal na sentensya ay parusang kamatayan ngunit ito ay awtomatikong nabawasan o napababa sa reclusion perpetua o habangbuhay sa piitan.
-
Para sa Conditional Pardon, ang isang PDL ay dapat nang napiit ng hindi bababa sa isang-kalahati (1/2) ng maximum ng orihinal na hatol ng indetermninate sentence at/o sentensya na may tiyak na bilang ang taon na pagkapiit.
-
Sino ang mga PDL na ang kaso ay karapat-dapat para sa pagsusuri ng Board of Pardons and Parole (“BPP”)?
a. PDL na nagse-serbisyo ng indeterminate sentence na ang maximum na hatol ay lumagpas sa isang (1) taon;
b. PDL na naka-pagserbisyo na ng minimum ng sentensya na iginawad ng indeterminate sentence;
c. Ang desisyon sa kaso ng PDL ay tapos na at wala ng apela (final and executory);
Kung ang PDL ay may isa o higit pa na kasamang nahatulan, ang director (ng Bureau of Corrections)/ o warden (ng provincial, city, municipal o district jail) ay nararapat na ipadala ang kanilang mga carpetas / jackets na magkakasabay.
d. PDL na walang nakabinbing kasong criminal;
e. PDL na nangungulunangan sa pambansang piitan, maliban lamang na kung siya napiit sa munisipyo, lungsod, distrito o probinsiyang piitan na may makatuwirang dahilan.
Ang isang PDL ay maituturing na “national inmate” kapag siya ay nabigyan ng sentensya na maximum na pagkapiit ng higit sa tatlong (3) taon o multa (“fine”) ng higit pa sa limang libong pesos; o hindi alintana sa haba ng sentensya na ipanataw ng hukuman, sa isang na nahatulan ng sentensya sa paglabag ng mga batas na sakop ng Bureau of Customs o ipinapatupad nito, o isang nahatulan na dalawa (2) o higit pang mga pangungulungan na meron pinagsama-samang haba na lampas ng tatlong (3) taon.
-
Sino ang mga PDL na hindi kuwalipikado sa parole?
a. PDL na nahatulan sa krimen na may kaparusahang kamatayan o habang buhay na pagkabilanggo;
b. PDL na nahatulan ng pagtataksil sa bayan (treason), pagsasabwatan (conspiracy) o panukala upang gumawa ng pagtataksil sa bayan (or proposal to commit treason) o paniniktik (espionage);
c. PDL na nahatulan ng misprision of treason, paghihimagsik (rebellion), sedisyon (sedition ) o coup d 'etat;
d. PDL na nahatulan ng pandarambong (piracy) o pag-aalsa (mutiny) sa labas o loob ng dagat Pilipinas;
e. PDL na nataguriang “habitual delinquents” o yaong sa loob ng sampung (10) taon mula sa petsa ng pagkalabas mula sa piitan o huling pagkahatol ng mga krimen ng serious or less serious physical injuries, robbery, theft, estafa, at falsification ay napatunayang lumabag ng mga nasabing krimen ng pangatlong beses o madalas pa;
f. PDL na tumakas sa pagkapiit o tumaliwas sa sentensya;
g. PDL na nagbigyan ng conditional pardon at lumabag sa anumang ng mga tuntunin nito;
h. PDL na ang maximum na haba ng pagkapiit ay hindi lalampas sa isang (1) taon o yaong may tiyak na bilang ang taon o haba ng sentensya;
i. PDL na nahatulan ng mga krimen na ang kaparusahan ay reclusion perpetua, o ang mga sentensya ay bumaba sa reclusion perpetua sa kadahilan ng Republic Act No. 9346, petsa Hunyo 24, 2006, na inamendahan ang Republic Act No. 7659, petsa Enero 1, 2004); at
j. PDL na nahatulan ng paglabag sa mga batas laban sa terrorism, plunder at transnational crimes.[KABALIKAT, INC.]
Livelihood Seminar
10 MAY
18 MAY
20 MAY


KABALIKAT VIDEO
Music
